Tinawag na dilatory tactic ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ang paghahain ng mosyon ni Senador Antonio Trillanes IV sa Korte Suprema na ilipat ng ibang korte ang kasong isinampa laban sa kanya ng Bise Presidente.
Hiniling ni Trillanes na ilipat sa korte sa Maynila ang 200-million damage suit na isinampa laban sa kanya ni Binay mula sa Makati City RTC dahil sa pangambang maimpluwensyahan ng Bise Presidente ang kalalaban ng kaso.
Hinamon ni Atty. Rico Quicho, isa sa mga tagapagsalita ni Binay si Senador Trillanes na harapin na lamang ang kaso at huwag nang maghanap ng mga palusot.
Humihingi ng danyos si Binay kay Trillanes at iba pa sa anya’y mga paninirang ibinato ng mga ito laban sa kanya nang wala namang ebidensya.
“Meron pong pagkakataon si Vice President Binay na magkomento doon sa sulat po ni Senator Trillanes, pero makikita po natin na ito ay dilatory, ibig sabihin po eh pinatatagal lang po ni Senator Trillanes.” Pahayag ni Quicho.