Puspusan ang ginagawang panliligaw ni Vice President Leni Robredo para makuha ang pulso ng masang Pilipino o iyong mga nasa soco-economic class D at E.
Ito’y makaraang lumabas sa isang indpendyenteng pag-aaral sa mga Pilipinong hindi pa nakararanas na masalang sa anumang uri ng survey na may kinalaman sa Halalan 2022.
Ang pag-aaral ay inisyatiba ng Brand-Y Research and Market Intelligence na isinagawa mula Pebrero 16 hanggang 28 na nilahukan ng may 1,200 Pinoy respondents.
Batay kasi sa mga lumalabas na survey, mas pinipili ng mga botanteng nasa class D at E o “Masang Pilipino” ang katunggali ni VP Leni na si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na may 52 percent kumpara kay Robredo na may 36 percent lang.
Gayunman, paborable umano sa Bise Presidente kung ang mga nasa class A,B at C ang papipiliin kung sino ang gusto nilang susunod na maging Pangulo ng bansa.
Pero sa kabuuan, lamang pa rin si Robredo na nakakuha ng 53% ng boto habang aabot lang sa 37% ang nakuha umano ni Marcos Jr. – ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)