Nakikipag-ugnayan ngayon sa mga eksperto ang kampo ni Vice President Leni Robredo hinggil sa alegasyong lumalabas sa social media kaugnay sa resulta at bilangan ng mga boto sa Halalan.
Ayon kay Vice President Leni Robredo, pinag-aaralan na ng kanilang kampo ang naging boto ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa partial and unofficial count of votes ng Commission on Elections (COMELEC).
Matatandaang maraming naiulat na aberya sa mga Vote Counting Machines (VCMs) sa mga polling precinct sa ibat-ibang lugar sa bansa sa naganap na botohan noong Mayo a-9 dahilan para magsagawa ng prayer rally ang mga residente sa Naga City at iba pang lugar sa bansa.
Hindi kasi makapaniwala ang mga taga-suporta ni VP Leni sa naging resulta ng botohan kung saan, bumaba umano ang kanilang moral.
Sa huli, pinasalamatan ni Robredo ang lahat ng sumuporta sa kaniyang kandidatura at nangakong ipagpapatuloy ang kaniyang nasimulan at naitulong sa bansa.