Duda ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa pagbuhay sa charter change ng ilang mambabatas sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Atty . Barry Gutierrez, spokesman ni Robredo, nagtataka silang isinisingit pa ng ilang mambabatas ang pagtalakay sa Cha-Cha na hindi naman napapanahong hakbangin at pagsasayang ng pera at oras ng taumbayan.
Mas marami aniyang mga mahahalagang bagay ang dapat tutukan ng gobyerno partikular sa isyu ng global health crisis.
Una nang kinumpirma ni Ako Bicol Party List Representative Alfredo Garbin, chairman ng House Committee on Constitutional Amendments ang basbas ni House Speaker Lord Allan Velasco para tutukan ang restrictive economic provisions ng konstitusyon.