Hiniling ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa Presidential Electoral Tribunal o PET na payagan sila gayundin ang kampo ni dating Senador Bongbong Marcos na sumaksi sa isasagawang ballot retrieval.
Kaugnay pa rin ito sa inihaing electoral protest ni Marcos laban kay Robredo hinggil sa umano’y dayaan noong 2016 presidential elections.
Magugunitang sinabi ng High Tribunal noong Disyembre 5 ng nakalipas na taon na hindi pinapayagan ang dalawang kampo na saksihan ang proseso at tanging ang delivery lamang ng mga ballot boxes ang papayagan.
Tatlong lalawigan ang tinukoy ng kampo ni Marcos na pinangyarihan umano ng dayaan tulad ng Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental na anila’y kilalang baluwarte ng Liberal Party na siyang kinabibilangan ni Robredo.
—-