Inakusahan ng kampo ni Vice President Leni Robredo ng panloloko at pagsisinungaling si dating Senador Bongbong Marcos.
Kaugnay ito ng kahilingan ng dating Senador na magsagawa ng recount sa nakaraang May 2016 elections.
Ayon sa mga abogado ni Robredo, kanilang ipinaalam sa PET o Presidential Electoral Tribunal na hindi mga registradong botante ang ilan sa mga testigong ihaharap ni Marcos mula sa Lanao del Sur, Maguindanao at Basilan.
Anila, napilitan na ang kampo ni Marcos na gumamit ng mapanlinlang na pamamaraan para mahikayat ang PET na magsagawa ng recount.
Matatandaang napagkasunduan ng magkabilang panig na maghaharap sila ng tig-tatlong mga testigo bawat clustered presincts noong nakaraang Hulyo at Agosto subalit hindi nakasunod ang kampo ni Marcos.
At nang muling bigyan ng pagkakataon ay nagpresenta si Marcos ng walong libong pangalan ng mga sinasabing botante.