Pumalag ang kampo ni Vice President Leni Robredo matapos hilingin ni dating Senador Bongbong Marcos sa Presidential Electoral Tribunal na ibasura ang counter protest ng Bise Presidente.
Itoy makaraang hindi makapag bayad ang kampo ni Robredo ng 8 Million Pesos na deposit para sa kanyang counter protest.
Ayon sa legal counsel ni Robredo na si Atty Romulo Macalintal, walang basehan ang mosyon ni Marcos na ipabasura ang counter protest ni Rorbredo lalo pa ng gamitin nitong pangsuporta sa kanyang mosyon ang mga kaso nina Lloren vs Comelec at Garcia vs H-Ret.
Giit ni Macalintal, hindi akma ang mga kasong ito sa election protest ni Marcos laban kay Robredo.
Nililinlang lang din anya ni Marcos ang PET.
Nanindigan din ang kampo ni Robredo na hindi pa sila kailangang magbayad ng cash deposit para sa kanilang counter protest hanggat hindi napapatunayang may merito ang election protest ni Marcos.
By: Jonathan Andal