Nananatiling tikom ang bibig ng kampo ni vice president Leni Robredo kaugnay sa plano sa 2022 National Elections.
Kasunod na rin nang pagdedeklara ng kanilang presidential bids nina Manila Mayor Isko Moreno at Senador Manny Pacquiao na kapwa una nang nakausap ni Robredo.
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, spokesperson ni Robredo, mag-aanunsyo sa tamang panahon ang bise presidente kaya’t dapat munang kumalma ang lahat.
Una nang inihayag ni Robredo na tatakbo siya sa pagka-pangulo ng bansa kapag napili ng koalisyon ng grupo ng mga oposisyon.