Nagsalita na ang kampo ng kontrobersyal na dayuhan na sinasabing isang milyonaryong drug lord.
Ayon kay Atty. Dennis Manalo, abogado ng Chinese national na si Wang Bo, hindi gambling lord ang kanyang kliyente.
Sinabi ni Manalo na si Wang ay nagtatrabaho bilang Technical Assistant for Customer Service ng ELT Corporation, na nakarehistro sa Cagayan Economic Zone Authority at ang suweldo nito kada buwan ay P25,000 piso.
Iginiit pa ni Manalo na hindi kayang manuhol ng mga mambabatas si Wang Bo.
Matatandaang ugat umano si Wang Bo ng suhulan sa Bureau of Immigration (BI) at kamara upang maipasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
By Meann Tanbio