Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema bilang PET o Presidential Electoral Tribunal ang kampo nina Vice President Leni Robredo at dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos.
Kaugnay ito sa paglalabas kapwa nina Marcos at Robredo ng mga sensitibong impormasyon hinggil sa recount sa mga boto sa Vice Presidential race sa kabila ng gag order.
Binigyan ng PET ng tig-sampung araw ang magkabilang panig para magpaliwanag kung ayaw ma-cite for contempt.
Ang manual vote recount na nagsimula noong Abril 2 ay bahagi ng protesta ni Marcos kontra kay Robredo.