Tuluy tuloy ang mind conditioning ng kampo ni dating Senador Bong Bong Marcos para palutanging ninakaw sa kaniya ang pagiging Vice Presidente ng bansa.
Ayon kay Georgina Hernandez, spokesperson ni Vice President Leni Robredo pagkatapos pa lamang ng eleksyon ay sinasabi na ng kampo ng dating Senador ang mga nasabing kasinungalingan.
Gayundin aniya ang ginagawa ng kampo ni Marcos kaugnay sa protestang inihain nito sa PET o Presidential Electoral Tribunal.
By: Judith Larino