Nag-re-recruit umano ng mga bagong miyembro sa Lanao del Sur ang kanang kamay ng napaslang na terror leader na si Omarkhayam Maute.
Ayon kay Col. Romeo Brawner Jr., deputy commander ng joint task force Ranao, isang alyas Abu Dar na isa sa mga “second line” leader at nakatakas sa giyera ang nagtatangkang i-reorganize ang Islamic State na sumalakay sa Marawi noong Mayo 23.
Namonitor anya nila ang galaw ni Abu Dar sa mga bayan ng Piagapo, Lumbacaunayan, Butig, Marantao, tugaya, Tubaran at Sultan Domalondong batay sa mga natanggap nilang impormasyon.
Kabilang umano sa mga nahimok ng nasabing terrorist leader ang mga kaanak ng mga Maute.
Si Dar ay may patong sa ulo na tatlong Milyong Piso at hindi nagtatagal sa isang lugar lamang.