Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya sa Sulu ang isa sa kanang-kamay ng napatay na si Maute-ISIS leader Isnilon Hapilon.
Kinilala ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang suspek na si Hashim Abtaib alyas Abu Imam na miymebro ng Abu Sayyaf na nahaharap sa iba’t ibang kaso tulad ng kidnapping at serious illegal detention.
May patong na P600,000 si Abtaib na sangkot aniya sa pagdukot sa 15 manggagawa ng Golden Harvest Plantation at pagpugot sa isang sundalo sa Basilan noong 2001.
Inaalam pa anya nila kung may naging partisipasyon si Abu Imam sa Marawi siege.
—-