Dalawa pang Maute strugglers sa Marawi City ang napatay nang maka – engkwentro ng militar sa main battle area sa Marawi City.
Ayon kay Colonel Romeo Brawner, deputy commander ng Joint Task Force Ranao, isa sa mga napatay ang kanang kamay ni Abu Sayyaf Leader Isnilon Hapilon na nakilalang si Abu Talja.
Samantala, dalawang sundalo naman ang nasugatan sa labanan.
Sinabi ni Brawner na hindi pa nila matiyak kung ilan pa ang eksaktong bilang ng mga natitirang Maute sa Marawi City.
Subalit batay sa ilang impormasyon, hindi na umano ito tataas sa apatnapu (40) kabilang na rito ang mga asawa at anak ng mga miyembro ng Maute.