Isinailalim na sa state of calamity ang Kananga, Leyte, isa mga bayan na niyanig ng 6.5 na magnitude ng lindol.
Nagiwan ng isang patay at tatlumpu’t pitong sugatan ang lindol na nagpabagsak sa isang gusaling pang komersyo sa bayan.
Ayon kay Vice Mayor Elmer Codilla, aabot sa halos tatlong milyong pisong calamity fund ang kanilang puwedeng gamitin bilang pang ayuda sa mga mamamayan ng Kananga.
Samantala, hiniling na anya nila sa Department of Public Works and Highways na alamin kung bakit bumagsak ang gusali gayung hindi naman ito kabilang sa mga itinuturing na lumang gusali sa kanilang bayan.
Sinabi ni Codilla na sa ngayon ay itinigil na ang rescue operations dahil natagpuan nang lahat ang mga pinaghahanap na posibleng naipit sa bumagsak na gusali.
By Len Aguirre
Kananga, Leyte isinailalaim na sa state of calamity was last modified: July 7th, 2017 by DWIZ 882