Hinirang bilang Miss Philippines Earth si Imelda Bautista Schweighart na pambato ng Puerto Princesa City sa Palawan.
Nangibabaw si Schweighart mula sa 45 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng bansa gayundin sa Overseas Filipino Communities.
Kasalukuyang Miss Puerto Princesa ang 21-anyos na Pinay German beauty at second place naman sa Miss Palawan pageant.
Naging kasabayan din ni Schweighart si Ms. Universe Pia Wurtzbach nang sumali ito sa Binibining Pilipinas noong 2013.
Maliban kay Schweighart kinoronahan din bilang Ms. Philippines – Air Kaira Giel Gregorio; Ms. Philippines – Water si Loren Artejos; Ms. Philippines – Fire si Shannon Rebecca Bridgman at si Melanie Mader naman ang itinanghal na Ms. Philippines – Ecotourism.
Ms. Zamboanga Q and A controversy
Samantala, naging tampulan ng diskusyon sa social media ang question and answer portion ng Miss Philippines Earth 2016.
Partikular ang naging sagot ng kandidata mula sa Zamboanga na si Bellatrix Tan nang tanungin ito hinggil sa weather related phenomena tulad ng El Niño at La Niña.
Dahil dito, tumabo sa mahigit 2 milyong views ang video ng nasabing bahagi ng paligsahan sa Facebook pa lamang.
Bagama’t may ilang nanlalait kay Tan sa naging sagot nito, mas marami naman dumidepensa para sa kanya.
Bahagi ng sagot ni Ms. Zamboanga Bellatrix Tan
By Jaymark Dagala