Pananagutin ng pamahalaan ang sinumang kandidato o politiko na mapatutunayang nakikipagsabwatan sa CPP-NPA.
Ito ang babala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kasunod ng pagnanais ng mga ito na maipanalo ang darating na halalan.
Ayon kay DILG spokesman Usec. Jonathan Malaya, sa ilalim ng batas, maaaring madiskwalipika sa kanilang kandidatura at makasuhan pa ng administratibo ang sinumang mapatutunayang lumabag.
Sa pulong balitaan ng NTF-ELCAC kahapon, ibinunyag ni NICA deputy director general Abelardo Villacorta na naniningil ng permit to campaign fee ang NPA ng hanggang sa 4 na milyong piso.—mula sa ulat ni Jaymark Dagala