Isang kandidato sa national assembly elections at aktibista ang patay sa nagpapatuloy na political crisis sa Venezuela.
Patay makaraang pagbabarilin ang kandidatong abogado na si José Felix Pineda sa bahay nito habang pinagbabaril din ang Youth Secretary ng Accion Democratica Party na si Ricardo Camposhis habang nasa kalagitnaan ng rally.
Maghahalal ang mga Venezuelan ng bagong assembly na may kapangyarihang baguhin ang Saligang Batas upang manumbalik ang kapayapaan sa bansa.
Gayunman, iginiit ng oposisyon na maituturing ang nasabing halalan bilang power grab ni Pangulong Nicolás Maduro na nagbabalang i-bo-boycott ang eleksyon.
By Drew Nacino