Patay ang isang kandidato sa pagka-konsehal matapos barilim ng hindi pa nakikilalang salarin sa Masbate.
Kinilala ang biktima na si Romeuel Medina, isang dating pulis na tumatakbo bilang konsehal sa bayan ng Cataingan.
Batay sa ulat, nasa loob ng kanyang bahay ang biktima pasado ala siyete ng gabi nang biglang pasukin ng nakamotorsiklong gunman at barilin ito sa ulo.
Agad naman itong isinugod sa Cataingan District Hospital pero hindi ito umabot ng buhay.
Tinitignan naman ng pulisya ang anggulong politika sa motibo sa pamamaril.