Binigyang-diin ng Commission on Elections o Comelec ang mga maghahain ng reklamo laban sa isang kandidato na manindigan sa kanilang reklamo.
Ayon kay Comelec commissioner George Garcia na malaking tulong aniya kung mayroong desididong tetestigo sa kaso hinggil sa vote-buying o pagbili ng boto.
Gayunman, nagbabala ang komisyon na may pananagutan din ang mga tumatanggap ng pera kapalit ng kanilang mga boto.
Ngunit maaari rin aniyang hindi sila makasuhan kung makikipagtulungan sila sa imbestigasyon.
Samantala, nilinaw ni Garcia, na puwede nilang sampahan ng kaso ang mga tumanggap ng pera pero maaari din namang hindi, dahil puwede silang gawing testigo o state-witness.