Kinansela ng COMELEC Second Division ang certificate of candidacy ng aktor na si Edu Manzano bilang kongresista ng San Juan City.
Ayon sa second division, nagsinungaling si Manzano hinggil sa citizenship nito matapos igiit na napanatili ang kaniyang natural born Filipino citizenship kasabay nang paninilbihan niya sa U.S Armed Forces bilang U.S citizen.
Binigyang diin pa ng second division na walang direktang ebidensya ng oath of allegiance ni Manzano na naka rehistro sa local civil registry sa lugar kung saan ito nakatira kaya’t hindi ito Filipino citizen noong ito ay maghain ng COC bilang kinatawan ng lone district ng San Juan City.
Ang petisyon laban kay Manzano ay inihain ng isang Sophia Patricia Gil na kinatawan ng abogadong si Maria Donnah Guia Lerona Camitan.
Tiniyak naman ng abogado ni Manzano na si Atty. Sixto Brillantes na ilalaban nila ang citizenship ng aktor lalo na’t ilang beses na rin itong tumakbo sa mga nakalipas na eleksyon.