Naaresto ng tropa ng pamahalaan ang itinuturing na kanang kamay ni Abu Sayyaf leader Mundi Sawadjaan sa Zamboanga.
Kinilala ito na si Hashim Saripada alyas “Ibnu Kashir” na nahaharap sa patung-patong na kaso ng pagpatay at frustrated murder.
Ayon kay Philippine National Police Chief General Camilo Cascolan, naaresto si saripada ng pinagsanib na puwersa ng regional intelligence unit 9 at 84th Special Action Force company sa Barangay Recodo.
Aniya, si Saripada ang nagdala ng Moroccan suicide bomber na nagpasabog sa Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) detachment sa Sitio Magkawit sa Barangay Maganda Lamitan Basilan, gamit ang isang car bomb at ikinsawi ng 11 katao.
Dagdag ni Cascolan, katuwang din si Saripada sa paggawa ng improvised explosive device na ginamit ng mag-asawang Indonesian national sa pagpapasabog sa Jolo Cathedral noong ika-27 ng Enero, taong 2019. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)