Nananatili ang alert level 1 sa bulkang Kanlaon sa negros Island matapos makapagtala ng dalawang volcanic earthquakes sa nakalipas na magdamag.
Naobserbahan ng Phivolcs ang bahagyang pamamaga ng Kanlaon pero wala namang naitalang pagsingaw ng usok sa bunganga ng bulkan.
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok ng sinuman sa 4-kilometer radius permanent danger zone sa paligid nito.
Ipinagbabawal din ng Phivolcs ang pagpapalipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog.