Apektado pa rin ng hanging habagat ang kanlurang bahagi ng Luzon.
Ayon sa PAGASA, dahil sa habagat, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan sa Pangasinan, Zambales at Bataan.
Ibinabala ng PAGASA ang posibleng pagbaha at landslide dulot ng mga malalakas na buhos ng ulan.
Samantala, isang low pressure area ang binabantayan ng PAGASA sa palabas ng bansa at ito ang magpapaulan sa Eastern Visayas, Caraga at Davao Region.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap na papawirin at magkakaroon lamang ng biglaang buhos ng ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.
#WALANGPASOK | JULY 31, 2019
Kanselado ang pasok sa ilang lugar sa bansa bunsod ng masamang panahon:Zambales
Olongapo City: preschool – senior high school (public and private)
Sta. Cruz: elementary pic.twitter.com/fOSUGXNwGz— DWIZ Newscenter (@dwiz882) July 31, 2019
Nakataas naman ang gale warning sa baybaying dagat ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Western coast ng Ilocos Norte, Zambales at Bataan.