Inaresto ng otoridad ang isang Amerikanong nagbiro sa paliparan na may nuclear bomb sa bagahe nilang mag-asawa sa Tuguegarao City
Ayon kay chief Tuguegarao airport police major Junvie Velasco ang suspek ay nakilalang si George Adrien Favarielle mula sa New Jersey, USA.
Ani Velasco, empleyado ng Cebu Pacific ang nagsumbong sa mga otoridad ng insidente nang magbiro ng hindi maganda ang suspek
Bagaman sinabi ng mag-asawa na biru-biruan lang ang nangyari, dinala parin sa detention cell sa Tuguegarao si Favarielle matapos labagin nito ang anti-bomb joke law habang nasa paliparan—mula sa panulat ni Joana Luna