Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na wala pang pormal na kasulatan ang kanselasyon ng ikalawang tranche ng cash aid sa mga lugar na inilagay na sa general community quarantine (GCQ).
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, kailangang mayroong written directive mula sa tanggapan ng Pangulong Rodrigo Duterte hinggil dito.
Kinikilala anya ng DSWD ang nabitawan nang commitment ng pamahalaan sa mga beneficiaries na umaasang makakatanggap pa sila sa ikalawang pagkakataon ng cash aid.
Una rito, berbal na ini-anunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi na makatatanggap ng second tranche ng cash subsidy ang mga beneficiaries na nasa lugar na inilagay na sa GCQ.