Suportado ng Department of National Defense (DND) at Philippine National Police (PNP) ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyan nang kanselahin ang usapang pangkapayapaan sa CPP – NPA – NDF.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, magpapatuloy ang operasyon ng militar para harangin ang mga pag – atake ng komunistang grupo.
Umapela naman si Armed Forces of the Philippines o AFP Chief of staff General Leonardo Guerrero sa publiko na huwag suportahan ang mga komunista at ipagbigay – alam agad sa otoridad ang mga hindi pangkaraniwang kilos ng komunistang grupo.
Sinabi naman ni PNP Spokesperson Chief Superintendent Dionardo Carlos na magiging mas madali na ngayon para sa mga pulis na arestuhin ang mga miyembro ng New People’s Army o NPA ngayong itinuturing na ang mga ito na mga terorista.
Kaugnay nito, hinihikayat ng mga opisyal ang mga komunista na sumuko na lang at magbalik loob sa batas.