Suportado ng COMELEC ang isinampang petisyon ng isang kinatawan ng government anti insurgency para kanselahin ang partylist registration ng Gabriela women’s party.
Pinaboran ng 2nd division ng COMELEC ang National Task Force to End Local Communist Armed (NTF-ELCAC) conflict dahil mayroon itong legal standing para maghain ng petisyon upang ma-void o mabalewala ang registration ng Gabriela partylist.
Iginiit ng NTF-ELCAC na tumatanggap ng pondo ang Gabriela at general assembly of women for reforms mula sa gobyerno ng ibang bansa at ginagamit ito para suportahan ang mga terorista sa bansa.