Pinayuhan ng Archdiocese of Cebu ang mga parokyang nasa ilalim ng kanilang hurisdiksyon na ipagpaliban muna ang simbang gabi o misa de gallo, partikular sa mga lugar na apektado ng bagyong Odette.
Ayon sa Archdiocese ng Cebu, nasa diskresyon na ng mga pari at kura paroko kung papahintulutan ang paggamit sa mga simbahan bilang evacuation center.
Kabilang naman sa mga tumugon ang Parish of the Alliance of Two Hearts sa Banawa, Cebu City na nagpasyang mag-kansela ng misa kagabi at ngayong araw.
Ipinagpaliban din ng Christ the King Parish sa Mandaue City ang misa de gallo sa halip ay ipagpapatuloy ito bukas, December 18.