Tunay na may kalidad ang mga awitin mula sa Visayas at Mindanao.
Ito ang paniniwala ng singer na si KZ Tandingan at asawa nitong si TJ Monterde.
Ayon sa singer couple, kayang makipagsabayan ng mga bisayang kanta sa mga karaniwang Filipino at English songs.
Sinabi ni Tandingan na talagang de kalidad ang mga awiting nagagawa ng mga visayan singer-songwriters na maaaring ihanay sa pandaigdigang antas.
Umaasa rin ang singer na mabibigyan ng sapat na pagkakataon ang mga kantang bisaya tulad ng atensyong nakukuha ng iba pang kanta mula sa Luzon.