Mapakikinggan na ang kantang “renegade” ng big red machine kung saan tampok ang grammy award-winning singer-songwriter na si Taylor Swift.
Matatandaang nakipagtulungan ang miyembro ng nasabing grupo sa album ni Swift na folklore at evermore.
Ang naturang awitin ay tungkol sa anxiety at kung paano naaapektuhan ng mental health issues ang isang relasyon.
Ang kantang renegade ay kabilang sa album na “how long do you think it’s gonna last?” ng big red machine na nakatakdang ilabas sa Agosto 27.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico