Umapela sa Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng Kapa- Community Ministry International, Inc na bigyan muna ng pagkakataon ang isang imbestigasyon.
Ginawa ni Danny Mangahas, convenor ng Ahon sa Kahirapan Movement ang apela kasunod ng pagpapasara ng pangulo sa Kapa.
Ayon kay Mangahas, nagtataka sila kung bakit hindi man lang tinanong ng SEC o Securities and Exchange Commission ang mga miyembro ng Kapa kung natatanggap nila ang kanilang dibidendo o kung may reklamo sila laban sa kumpanya.
Sinabi ni Mangahas na nasa sampung milyong miyembro ng Kapa ang apektado ng pagpapasara sa kumpanya at karamihan sa mga ito ay OFW.
Binigyang diin ni Kapa na hindi lamang investment company ang Kapa kundi ispiritwal din at tumutulong sa mga miyembro na maka ahon sa mala impiyernong kahirapan.