Mahirap ipagkatiwala ang baril sa mga sibilyan.
Binigyang diin ito sa DWIZ ni Nandy Pacheco, pangulo ng Gunless Society matapos kontrahin ang pahayag ni President-elect Rodrigo Duterte na mag-armas ang publiko para manghuli ng mga criminal.
Sinabi ni Pacheco na delikado ang magiging sitwasyon kung lahat ay mayroong armas na posibleng maging dahilan ng krimen.
Bahagi ng pahayag ni Mr. Nandy Pacheco
No to guns
Naninindigan ang Gunless Society sa posisyong hindi kailangang magbitbit ng armas.
Sinabi sa DWIZ ni Nandy Pacheco, pangulo ng grupo na ang papel ng baril ay pumatay kayat dapat itong iwasan.
Bagamat sa ilang pagkakataon na papayagan ito iginiit ni Pacheco na kailangan ang mga kaukulang requirement.
Bahagi ng pahayag ni Mr. Nandy Pacheco
By Judith Larino | Ratsada Balita