Hindi na uubra ang panukalang ulitin ang DNA test na isinagawa ng Philippine National Police (PNP) – Crime Lab kahapon sa bangkay na nakuha sa isang ilog sa Gapan City, Nueva Ecija na kinilala noong una na si Reynaldo ‘Kulot’ de Guzman.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, mayroong asosasyon sa buong mundo na nagsasabing hindi na maaring kontrahin ang naunang DNA analysis.
Binigyan-diin ni Lacson na matagal na proseso ang hihintayin bago ito maisakatuparan.
Mapu-put in question ‘yung integrity ng DNA.
Ayaw nila ‘yun para meron silang arrangement as far as I know, na kapag may lumabas na DNA analysis sa isang tao hindi na pwede itong i-second opinion o third opinion ng may ibang kapasidad na magsagawa ng DNA analysis.
Kaya kung assuming na authentic, totoo ‘yung sinasabi ng PNP na sa DNA analysis, hindi ‘yung si Kulot hindi ‘yung na-recover at totoong si Kulot, then, wait to leave it up.
Ulat ni Cely Ortega – Bueno
_____