Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang operasyon ng e-sabong kapag napatunayang talamak na sa pagkalulong ang mga Pilipino sa nabanggit na sugal.
Ayon sa punong ehekutibo, kapag napatunayang lulong sa sugal mga Pinoy, ay ipapatigil niya ang operasyon ng e-sabong.
Ito ay sa kabila ng nauna nang pahayag ng pangulo na malaking halaga ng pera ang inaakyat ng e-sabong sa gobyerno lulan ng kanilang binabayarang buwis.
Nabatid na umaabot ng bilyon-bilyong piso ang nakukuhang buwis sa e-sabong sa isang taon kaya may nagagamit sa mga gastusing pang-serbisyo ng gobyerno. —sa panulat ni Mara Valle