Babawiin ng China ang Scarborough Shoal bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak ito ni Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio lalo na’t kritikal ang huling tatlong taon ng Pangulo na nagsabing walang gagawing hakbang para pigilin ang China sa mga aktibidad nito sa Panatag Shoal o Bajo De Masinloc.
Sinabi pa ni Carpio na hindi niya nagustuhan ang pinasok na kasunduan ng gobyerno sa iba pang claimant countries sa West Philippine Sea kaugnay sa code of conduct sa mga pinag-aagawang isla.
Dahil sa nasabing kasunduan inihayag ni Carpio na nakakalamang na ang China dahil wala nang puwedeng magtayo ng anumang istruktura sa West Philippine Sea matapos maitayo ang ilang artificial island.
Gayunman ipinaliwanag ni Carpio na bahagyang lumambot ang China sa kanilang claims sa disputed territory dahil sa pagpayag nila sa joint exploration sa lugar.
Bagamat ang kasunduan ay sa pagitan ng China National Offshore Corporation at forum energy na isang Pilipino company na parehong pribadong kumpanya ito naman ay nangangahulugang kinikilala na rin ng China ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.