Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patuloy nilang isasaalang-alang ang kapakanan ng mga hostages ng Abu Sayyaf at iba pang kidnap for ransom groups sa kanilang mga operasyon.
Ginawa ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla ang pagtiyak sa harap ng direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na bombahin na ang Abu Sayyaf kahit pa may kasama silang mga bihag.
Aminado si Padilla na nagawa na rin ng militar ang bombahin ang Abu Sayyaf kahit pa may mga kasama itong bihag subalit para lamang anya mapigilan ang kanilang paggalaw sa isang lugar.
Sa ngayon anya ay dalawampu’t limang (25) bihag na dayuhan at mga Pilipino pa ang hawak ng Abu Sayyaf.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla
“Nitong 2016 mahigit 200 sundalo ang nagbuwis ng buhay”
Samantala, mahigit sa dalawandaang (200) sundalo ang napatay nitong 2016 dahil sa mga operasyon ng militar laban sa Abu Sayyaf sa Mindanao.
Ayon kay Padilla, Spokesman ng AFP, ramdam nila sa AFP ang frustration ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa patuloy na pangingidnap ng Abu Sayyaf.
Sa ngayon anya ay hinihintay pa nila ang guidelines kung paano ipatutupad ang direktiba ng Pangulo na bombahin na ang Abu Sayyaf kahit pa may mga kasama itong bihag.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. General Restituto Padilla
Matatandaang, ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar na pasabugin na ang mga terorista kung magtatangkang tumakas ang mga ito.
Ayon kay Pangulong Duterte, kung kinakailangang madamay ang mga bihag o magbuwis ng buhay ang mga ito ay hindi dapat mag-atubili ang militar lalo’t kung malalagay naman sa alanganin ang buhay ng mga sundalo.
Kabilang sa mga tinukoy ng Pangulo ang mga grupo sa Mindanao tulad ng Abu Sayyaf na kadalasang nambibiktima ng dayuhan.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Samantala, nasa kustodiya na anya ng Malaysian government ang isa sa mga miyembro ng Maute Group na si Datu Mohamad Abduljabbar Sema.
Si Sema ay anak ni dating Cotabato City Vice Mayor Muslimin Sema, co-founder ng Moro National Liberation Front.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Len Aguirre | Credit to: Ratsada Balita (Interview) | Drew Nacino