Dapat tiyakin ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board na maisasaalang-alang ang kapakanan ng mga commuter sa pagdedesisyon kaugnay sa pagtataas ng pasahe sa mga pampasaherong jeepney.
Ito ang panawagan ni Senador Sherwin Gatchalian sa gitna ng panawagan na dalawang-pisong taas-pasahe sa jeep.
Ayon kay Senador Gatchalian, bagamat batid ng iilan na nabibigatan na ang mga jeepney driver at operator sa sunod-sunod taas-presyo ng langis, kailangan pa ring ikonsidera ang kapakanan ng mga pasahero sa hirit na taas-pasahe.
Dagdag pa ng Mambabatas na posible makabawas ang mungkahi ng mga transport group sa panggastos ng mga mahihirap para sa pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, healthcare, desenteng tirahan, at edukasyon. – Sa panulat ni John Riz Calata mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)