Isinusulong ng administrasyong Marcos ang kapakanan ng mga guro kasabay ng pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon.
Ito ang tiniyak ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte kung saan inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang hiling ng Department of Education na lumikha ng 5,000 karagdagang posisyon para sa non-teaching personnel sa susunod na taon.
Ani Duterte, itatalaga ang mga naturang personnel na magsisilbing administrative officers sa iba’t ibang rehiyon partikular sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Region 9, 12 at 13.
Siniguro rin aniya ng administrasyong Marcos na matatanggap ng mga guro ang huling tranche ng salary increase alinsunod sa Republic Act 11466.