Dapat munang unahin ang kapakanan ng mga manggagawa at protektahan ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng mga tamang polisiya o patakaran.
Ito ang naging panawagan ni Senador Bam Aquino sa gobyerno sa pagdiriwang ng labor day, kahapon.
Ayon kay Aquino, dapat isipin ng pamahalaan sa bawat desisyon at repormang ipinatutupad ang kapakanan ng mga Filipinong nagta-trabaho tulad ng mga magsasaka, mangingisda at Overseas Filipino Worker.
Gayunman, hindi ito nangyari dahil sa halip na suportahan ay pinahihirapan pa ang mga manggagawa tulad ng ipinatupad na train law na naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ang desisyon anya na alisin ang limitasyon sa pag-aangkat ng bigas ay naka-aapekto sa trabaho ng mga magsasaka na umaasa sa ani para kanilang ikabubuhay.