Isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng isang ahensyang tututok sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker (OFWs).
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat magkaroon ng isang gusali sa Civil Aviation Complex na magsisilbing “one-stop shop” para sa mga OFW.
Dapat din anyang paigtingin ang kampanya kontra human traffickers at illegal recruiters na nangbibiktima ng mga gipit na Pinoy.
Ipinag-utos din ng Pangulo sa lahat ng government personnel saanmang ahensya na ugaliing gamitin ang computer upang mapibilis ang trabaho at mabawasan ang mahabang pila ng mga aplikanteng OFW.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Drew Nacino