Prayoridad ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni OWWA administrator Arnell Ignacio na iniutos ni Department of Migrant Workers (DMW) secretary Susan “Toots” Ople na gawing tahanan o santuwaryo ng mga OFW ang ahensya.
Ito aniya ay upang maiparamdam ang pag-welcome o sinseridad at pag-aalaga sa mga naturang indibidwal.
”Ano eh Sincerity, sincerity na itatranslate natin sa mararamdaman nila…dun palang kapag naramadaman na nila ‘yon in agreed percentage of your problem na -admit mo na kasi very emotional ito so kailangan yung approach mo magcommunicate ka doon sa linya ng kanilang emosyon..”
Giit pa ni Ignacio na dapat din nilang alagaaan ang kanilang mga tauhan.
”kailangan din yung aming mga tauhan ay aming maalagaan caring for the carer, the care that they will receive will be translate to the..trasmit to the clients that we are servicing, kailangan kasi masaya rin yung tauhan namin e..” -OWWA administrator Arnell Ignacio sa panayam ng DWIZ