Ipinauubaya na ni acting Interior and Local Government Secretary Catalino Cuy sa Malakanyang ang pagpapasya kaugnay sa kapalaran ng tatlong undersecretaries ng ahensya na iniuugnay sa pagkakasibak ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mike Sueno.
Ayon kay Cuy, kanya nang inilahad ang sitwasyon nina Udersecretary John Castriciones, Jesus Hinlo Jr. at Emilie Padilla sa Office of the Executive Secretary at hinihintay na lamang ang magiging tugon mula dito.
Giit ni Cuy, hindi sakop ng kanyang otoridad ang ibalik ang mga resposibilidad ng nasabing tatlong undersecretaries ng DILG na inalis noon ni Sueno sa kanila.
Magugunitang nasa floating status sina Castriciones, Hinlo at Padilla matapos tanggalin noon ni Sueno ang mga responsibilidad ng tatlo bilang mga undersecretary for operations, public safety at legislative liaison and special concerns.