Lumabo pa ang kapalaran ng BBL o Bangsamoro Basic Law sa Kamara.
Ito ay matapos mabigo ang liderato ng kamara na makabuo ng malinaw na plano hinggil sa pagpasa sa BBL kahit pa pinulong na sila ng Pangulong Noynoy Aquino.
Sinabi ni House Speaker Feliciano Belmonte na obligasyon nilang kumilos subalit dadaan pa rin sa normal na proseso ang BBL kaya’t hindi nila matiyak kung makakalusot ito sa time frame ng mga proponents.
Nasa interpellation pa lamang aniya ang nasabing bill at malayo pa itong maipasa dahil marami ang interesadong magtanong hinggil sa BBL.
Economic Cha Cha
Samantala, nananatiling buhay ang Economic Cha Cha resolution sa Kamara.
Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte, naghihintay lamang ng tamang panahon ang nasabing panukala niya.
Uubra naman aniyang maisingit sa plenaryo ang deliberasyon sa naturang resolusyon na pasado na sa ikalawang pagbasa subalit nabitin sa period of interpellation.
Gayunman, inamin ni Belmonte na maliit pa ang tiyansang mapagtibay ang naturang resolusyon dahil problema pa nila ang quorum sa maraming malalaking panukala.
By Judith Larino