Nasa kamay na ng Kongreso ang kapalaran ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagsasailalim sa Mindanao sa batas militar
Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, ang kongreso bilang co-equal branch ng ehekutibo ay may kapangyarihan para palawigin o ibasura ang nasabing proklamasyon batay sa isinumiteng paliwanag ng Pangulo
Kumpiyansa naman si Panelo na pakikinggan ng Kongreso ang anumang magiging paliwanag ng Pangulo na nakabatay sa sitwasyon o kung hinihingi talaga ng pagkakataon
Samantala, ipinaliwanag naman ni Panelo na bagama’t may kapangyarihan si AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año sa militar at pulisya bilang administrador ng Mindanao, hindi pa rin nito maaaring tapakan ang mandato ng mga lokal na pamahalaan, legislative functions ng mga mambabatas na taga mindanao gayundin ang mga korte ruon
By: Jaymark Dagala
Kapalaran ng Martial Law, nakasalalay sa Kongreso – Panelo was last modified: May 25th, 2017 by DWIZ 882