Isusumite na ng Department of Justice (DOJ) sa Hunyo 30 ang kanilang rekumendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y kaugnay ng pinasok na kasunduan ng pamahalaan at ng dalawang higanteng water consessionaire tulad ng Maynilad at Manila Water.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, umaasa siyang tatanggapin ni Pangulong Duterte ang kanilang naging rekumendasyon.
Magugunitang nirepaso ng DOJ ang nasabing kontrata dahil sa kaliwa’t kanang reklamo ng publiko hinggil sa hindi magandang serbisyo ng dalawang water companies.
Dahil dito, sinabi ni Guevarra na bahala na ang pangulo na magpasya sa nasabing usapin sa sandaling maipasa na nila ito sa Malakaniyang.