Ipinauubaya na ng Malakaniyang sa kamay ng komunistang grupo ang kapalaran ng peacetalks.
Ayon ito sa palasyo matapos utusan ng Pangulong Rodrigo Duterte si Government Chief Peace negotiator Silvestre Bello III na muling kausapin si CPP founder Jose Maria Sison.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na bukas naman ang gobyerno sa pakikipag usap at bahala na aniya ang CPP NPA NDF na magpasya kung magiging tapat sa kanilang hanay.
Nakaka dismaya aniyang habang panay ang pakikipag usap ng gobyerno sa komunistang grupo, panay naman ang kanilang pag-aake at pag ambush sa tropa ng gobyerno.
Tiniyak ni Panelo na pursigido ang Pangulo na maselyuhan ang peacetalks bago pa man matapos ang kaniyang termino sa taong 2022.