Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi sila kailanman makiki-alam sa mga ipinatutupad na kalakaran sa loob ng University of the Philippines (UP).
Ito’y ayon kay PNP Chief P/Gen. Debold Sinas ay sakaling magpasya na rin ang Department of the Interior and Local Government na ibasura ang nilagdaan nitong kasunduan sa pamantasan nuon pang 1992.
Ayon kay Sinas, sakaling mapawalang bisa na ang UP-DILG accord, hindi pa rin sila magbabago sa kanilang mandato na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa loob ng pamantasan.
Sa ilalim kasi ng kasunduan, hindi maaaring magsagawa ng pag-aresto ang pulisya sa loob ng UP lalo’t kung wala itong pahintulot mula sa pamunuan ng pamantasan.
Gayunman, binigyang diin ni Sinas na kaniya na munang ipauubaya ang bola sa dilg hinggil sa kalalabasan ng mga serye ng pakikipagpulong nito sa pamunuan ng unibersidad.