Nasa kamay na ng Korte ang magiging kapalaran ni Moro National Liberation Front o MNLF Founding Chairman Nur Misuari.
Ito ang reaksyon ni Senador Francis Escudero matapos ang naging pagpupulong nila Misuari at Pangulong Rodrigo Duterte upang talakayin ang usapang pangkapayapaan.
Ayon kay Escudero, nakatutuwang makita ang isang dating protagonist o mandirigma at magkakalaban na nagsasalita hinggil sa pagsusulong ng kapayapaan.
Giit ni Escudero, dapat isaalang-alang o gawing pangunahing konsiderasyon ang kapakanan ng taumbayan at tiyakin na matutuldukan na ang deka-dekadang armadong labanan at patayan sa Mindanao.
Kasalukuyang nahaharap sa mga kasong rebelyon at iba’t ibang paglabag sa international human rights law si Misuari bunsod ng madugong Zamboanga Siege.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno