Pinatitiyak ni Sen. Panfilo Lacson na mananagot ang sinomang direktang responsable sa ipinalabas na palpak na listahan ng mga UP graduate na umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay Lacson, chairman ng senate committee on national defense and security, bukod sa inilagay ng mga ito sa alanganin at nakakahiyang sitwasyon ang AFP maaari ring magresulta ng hindi maganda ang ginawa nito na pagiging iresponsable at padalos-dalos o kawalang ingat.
Dahil dito, ani Lacson dapat na makastigo ang gumawa ng naturang kapalpakan.